Isang simbahan sa Bantayan Island, nakaka-wow ang masining na kisame

Isang simbahan sa Bantayan Island sa Cebu ang patuloy na pumupukaw sa atensyon ng maraming parokyano. Malikhaing pagkakapinta ng mural ang matatagpuan sa kisame ng St. Peter and Paul Parish.

Ayon sa isang ulat, isang pintor na nagngagalang Aris Pastor, kasama ang iba pang mga artist mula sa Dibuho Kisame Crew, ang nagsimula ng masterpiece na ito.


Imahe mula sa Facebook account ni Paris Evilino

Imahe mula sa Facebook account ni Paris Evilino

“Originally, apat lang kami, from Palompon, Leyte. Then we added four more artists from Cebu City, but to show our support to the island, we also hired local young artists from Bantayan. All in all 12 kami,” ani Aris.

“Kaya hindi ko na pinalagpas yung opportunity,” he continues. Noong nasilayan ni Fr. Joy Danao ang kanyang mga likha sa Cebu, malugod na dinala ni Aris ang sining sa parokya.

Sinimulan ng grupo ang pagpipinta ng mural sa St. Peter and Paul Parish noong Agosto 2018 at pinaplanong matapos ng Mayo ngayong taon.

News source: GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

   HOME  |   ABOUT  |   NEWS  |   CONTACT
© WOW PILIPINAS PARTYLIST. ALL RIGHTS RESERVED. | PRIVACY POLICY